AGAD na umusad ang petisyong inihain ni Vice President Sara Duterte laban sa impeachment complaint na inihain sa Kamara.
Sa isang kalatas, inatasan ng Supreme Court en banc ang Senado, House of Representatives at iba pang respondents na magsumite ng komento sa hirit ng pangalawang pangulo na ibasura ang reklamo.
Batay sa direktiba ng Korte Suprema, binigyan lang ng 10 araw ang mga naghain ng reklamo sagutin ang petisyon nina Atty. Israelito Torreon at VP Sara.
Partikular na kinuwestyon ni VP Sara ang “constitutionality” ang impeachment proceedings kasalukuyang na tinatalakay ng House Committee on Justice.
Hiling ng kampo ni Duterte sa Korte Suprema, maglabas ng temporary restraining order laban sa pag-usad ng impeachment, itigil ang anumang hakbang na may kinalaman dito at ideklarang “unconstitutional” ang dalawang impeachment complaints na naglalayon patalsikin ang pangalawang pangulo sa pwesto.
