“MANY Filipinos remain trapped in invalid marriages because current laws are too restrictive,” ayon kay House Deputy Majority Leader Rep. Jude Acidre (Tingog partylist), kasabay ng hirit na amyenda sa batas sa pag-aasawa.
Sa pagdalo sa 31st National Convention of the Canon Law Society of the Philippines (CLSP), partikular na tinalakay ang panukalang House Bill 10970 na naglalayon palawakin ang basehan para sa pagsasawalang-bisa ng kasal at legal separation.
Ayon kay Acidre, dapat ding gawing simple ang judicial proceedings at kilalanin ng civil courts ang deklarasyon ng religious organization na pagkansela ng kasal.
Ang nasabing annual CLSP convention na may temang “The Church and The State: Distinct but not Separate,” ay dinaluhan ng mga eksperto kapwa sa civil at ecclesiastical law.
Sa isinagawang ‘Table Ronde on Public Ecclesiastical Law in the Philippines,’ si Acidre ay sinamahan nina Rev. Fr. Ranhilio Aquino, PhD, JD, JSD, ang dean ng Graduate School of Law ng San Beda University; Hon. Justice Adolfo Azcuna, former Associate Justice ng Supreme Court at Chancellor Emeritus ng Philippine Judicial Academy; at Atty. Nilo Divina, na dean naman ng University of Santo Tomas Faculty of Civil Law at managing partner ng Divina Law.
Tinalakay ang legal at moral dimensions sa isinusulong na marriage law reforms at kung ano ang papel ng ecclesiastical principles sa pagbuo ng national policies.
Paliwanag ni Acidre, sa pamamagitan ng HB 10970 ay magiging mas marami ang batayan para kanselahin ang kasal, gawin din nitong accessible ang legal na proseso para rito habang pinoprotektahan pa rin ang pagiging sagrado ng kasal. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
