TINANGGIHAN ng Pilipinas ang mungkahi ni United States national security adviser Jake Sullivan na pagsama ng mga tropang Amerikanong sa mga susunod na rotation and resupply mission ng Pilipinas para sa mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Paglilinaw ni National Security Adviser Eduardo Año, hindi pa kailangan ng Pilipinas ang tulong ng Estados Unidos sa West Philippine Sea.
“RORE will remain to be a pure Philippine operation. But we appreciate the US support in all aspects being our main ally and its assurance of ironclad commitment to the MDT (Mutual Defense Treaty),” ani Año.
Giit ng opisyal, may kakayahan pa naman aniya ang gobyerno ng Pilipinas – “There is no need at this time for any direct involvement of US forces in RORE mission,” wika ng opisyal, kasabay ng paabot ng pasasalamat sa alok na tulong ilang linggo matapos ang marahas na insidente kung saan pitong miyembro ng Philippine Navy ang nasaktan sa pagsampa ng Chinese Coast Guards na armado ng itak at palakol.
Bukod sa mga sugatan, wasak sa Chinese Coast Guard personnel ang dalawang rigid hull inflatable boat, pagkumpiska ng mga service firearms ng mga Navy servicemen, pagbasag ng mga cellphones, at pagsira sa mga communication equipment ng Philippine Navy vessel.
