
SA halip na gamitin ang sariling imprenta katulad ng nakagawian, mas minabuti ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) palimbag na lang sa pribadong kumpanya ang tinaguriang “New Generation Banknotes.”
Base sa nakalap na impormasyon, target ng BSP maglabas ng 500,000 bundle ng P1,000 bills, 380,000 bundle ng P500 banknotes, at 150,000 bundle ng P100 salaping papel.
Sa kalatas ng BSP, naglaan ang pamahalaan ng tumataginting na P4.88 bilyon para sa “outsourced banknotes” na tig P1,000, P500 at P100.
Taong 2020 (sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte) unang inilunsad ang New Generation Currency na tampok ang mga bagong security features na anila’y hindi hamak na mas mahirap mapeke ng mga sindikato.
Tampok din sa mga bagong banknotes ang mga bayani, mga dating pangulo ng bansa, mga katangi-tanging pasyalan at likas na yaman tulad ng Bulkang Mayon, Tubbataha Reefs, perlas at tarsier.
Bago bumaba sa pwesto si Duterte, inilunsad naman ng BSP ng P1,000 polymer banknotes ma inalmahan ng publiko matapos mawala ang mga larawan ng mga bayaning sina sina Jose Abad Santos, Vicente Lim at Josefa Llanes Escoda.
Maging ang mga nagtatanim ng abaca sa Bicolandia, lubos na nadismaya dahil sa nawalang kabuhayan dahil sa halip na abaca, plastik na ang ginagamit sa paggawa ng perang papel.