WALANG balasahan sa gabinete, pero nakamasid si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga tamad – kung hindi man inutil na opisyales sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.
Ito ang tugon ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro kaugnay ng umano’y usap-usapan hinggil sa nakaambang balasahan sa gabinete.
“As of now wala pa. It’s still under evaluation. Wala pa pong nangyayaring pagtatanggal, transition, transfer of position — wala pa po,” ani Castro.
Hindi rin aniya totoo ang balitang pinalitan si Major General Nelson Morales bilang Commander ng Presidential Security Command (PSC).
Wala rin umanong katotohanan ang nakaumang na pagsibak kay Secretary Ivan Uy bilang Kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
“The President is still evaluating if there’s a need for a change of leaders in each department. So, wala pa po tayo, under evaluation po lahat.”
