
Ni ESTONG REYES
TO the rescue sa isang lotto agent si Senador Raffy Tulfo matapos ireklamo ng mga lotto agents si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chief Me Robles.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement, partikular na tinukoy ni Tulfo ang di umano pamemersonal ni Robles matapos ipasara ang lotto outlet ng isang accredited agent dahil lamang sa pagdalo sa prayer rally noong nakaraang Mayo.
Sa pagsalang ni Evelyn Javier na tumatayong presidente ng Philippine Online Lottery Agents Association Inc. (POLAAI) ikinuwento kung paano di umano pinasara ni Robles ang kanyang lotto outlet sa nakalipas na 20 taon.
“Hindi naman po sa gusto kong magsumbong… si GM Robles tinerminate po noong June 10 kasi daw po nag-attend ako ng prayer rally,” pahayag ni Javier sa komite.
Paglilinaw ni Javier, wala naman di umano siyang nilabag sa kontrata – bagay na hindi niya lubos na maunawaan kung bakit siya pinadalhan ng liham ng show cause order noong Mayo dahil lamang sa pagdalo niya sa prayer rally kasama ang iba pang lotto operators.
“Nagdasal lang po kami, marami naman po kami. Nag-explain naman po ako eh na sana po humingi kami ng audience sa inyo na sana kinausap nyo ang mga agents kasi gusto lang namin sana maibalik po yung cancellation,” lahad ni Javier.
“Nagpaalam naman po kami, may mga pulis na nagdatingan, we just prayed lang naman quietly…. Hindi ko pinayagan yung placard na merong resign Robles,” dagdag pa niya.
Bagamat wala sa pagdinig si Robles na nasa bansang Portugal, humalili at tumayong kinatawan ng PCSO chief si PCSO Assistant General Manager Lauro Patiag.
Giit naman ni Tulfo na wala namang nilabag sa kontrata si Javier maliban sa pagdalo niya sa prayer rally ng mga lotto agents at hindi ito dapat pinipersonal ni Robles.
“Parang nakikita ko dito kay GM Robles, parang he thinks he is God, that’s grave abuse of power, really. This guy is very dangerous, you give him little power, he exceeds. That power that was given to him, grabe naman.
“Delikado ito nakakatakot itong boss n’yo na si si GM Robles. Paano na kaya kung itoy’ naging presidente ng Pilipinas baka lahat tayo konting lang mali lang diyan ikukulong tayo lahat.”
“Pakisabi abusadong itong boss mo, itong n si Robles napaka-abusadong tao… he’s playing God na nobody… wala dapat pwedeng bumangga sa kanya, nobody should cross him, otherwise, ayun, grabe naman..” pangwakas na patutsada ni Tulfo.