Ni LILY REYES
HIGIT pa sa pag-aayunong kalakip ng Semana Santa ang dala ng anunsyong dagdag-presyo gasolina at krudo pagsapit ng Martes Santo.
Ayon sa mga oil industry players, asahan ang P1.75 kada litrong dagdag sa presyo kada litro ng krudo. Mas malaki naman anila ang pagtaas sa presyo gasolina – P2.40 kada litro.
Paliwanag ng mga kumpanya ng langis, nakabase lamang anila ang galaw ng presyo sa lokal na merkado base sa galaw ng kalakalan sa pandaigdigang merkado at dikta ng
Bahagyang mas mababa naman ang inaasahang dagdag-presyo batay sa pagtataya ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero.
Ayon kay Romero, posibleng maglato lang sa pagitan ng P190 hanggang P2.10 ang itataas ng gasolina habang nasa pagitan lang aniya ng P1.35 hanggang P1.40 ang dagdag sa presyo kada litro ng krudo.
“Oil edges higher driven by speculation surrounding the impact of Ukraine’s recent assaults on Russian big three refineries; the reduction of Iraq crude exports; the big draw from US crude and gasoline stockpiles and the stronger demand and economic growth of US and China,” ani Romero.
Sa Metro Manila, naglalaro ngayon sa halagang P55.70 hanggang P74.60 ang kada litro ng gasolina, habang nasa P57.05 hanggang P62.30 ang krudo na karaniwang gamit ng mga pampublikong sasakyan.
