TULAD ng inaasahan, tuluyan nang pinawalang-sala ng Sandiganbayan Special Third Division sa 15 kaso ng graft si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.
Bukod kay Enrile, lusot din sa kaso ang napabalitang kalaguyo ni Enrile na si Jessica “Gigi” Reyes. Abswelto rin sa asunto sa maling paggamit ng P172 milyon mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) si Janet Lim-Napoles na kasalukuyang nakakulong sa Women’s Correctional Institute sa Mandaluyong City.
Sa desisyon pinangunahan ni Justice Ronald Moreno, sinabi ng korte na nabigong patunayan ng prosekusyon ang pagkakasala ng mga akusado “beyond reasonable doubt.”
Wala rin ipinataw na civil liability o multa sa mga pinawalang-sala, kabilang si Jose Antonio Evangelista II, dating deputy chief of staff ni Enrile.
Kalakip ng desisyon ng Sandiganbayan ang isang direktiba — ang paglusaw sa hold-departure order sa mga naabswelto.

Karagdagang Balita
Reklamo laban sa mga gov’t officials tapos sa 60 araw?
Kaso vs. DPWH officials swak na sa Ombudsman
Asunto kasado na kontra Zaldy Co, atbp