
Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
NAGPAHAYAG ng kahandaan ang pamunuan ng Kamara na paspasan ang pagpapatibay ng mga inilatag na prayoridad ng administrasyon – mga panukalang batas na higit na kailangan para isulong ang kaunlaran sa bansa.
Sa isang kalatas, tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez ang pagsasagawa ng mabilis at determinadong hakbang isang linggo bago ang muling pagbabalik-sesyon ng Kongreso sa sandaling matapos ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“The House is ready to take swift and decisive action to ensure these legislative priorities are met, paving the way for sustained development and progress under the administration of President Bongbong Marcos,” pahayag pa ng lider ng 300-plus strong member na House of Representatives.
Ayon kay Romualdez, handa na rin ang Kamara na tanggapin ang panukalang P6.325 trilyong National Expenditure Program (NEP), na siyang pagbabatayan sa gagawing 2025 General Appropriations Bill (GAB).
Target ng Kamara – pagtibayin ang GAB pagsapit ng Setyembre.
“The 2025 national budget is essential for sustaining our nation’s growth and addressing the immediate needs of our citizens, and the House is ready to ensure its swift approval to support our development and progress,” wika ni Romualdez.
“We are ready and determined to work hard to pass the 2025 GAB before we go on break at the end of September. We will ensure the timely transmission of the spending bill to the Senate for their consideration as well,” dugtong ng Leyte solon.
Nabatid na ang 2025 NEP, na mas mataas ng 10 porsyento kumpara sa P5.768-trilyong budget ngayong taon na aniya’y katumbas ng 22 porsyento ng gross domestic product ng bansa.
Inaasahan isusumite sa Kamara ng Department of Budget and Management (DBM) ng 2025 NEP sa Hulyo 29, matapos ang isinagawang pagrepaso ng buong gabinete.
Bukod sa panukalang budget, sinabi ni Speaker Romualdez na ipapasa rin ng Kamara ang mga panukalang batas na hirit ng Pangulo sa nalalabing bahagi ng 19th Congress.
“We are fully committed to passing all the bills that President Marcos will possibly outline in his SONA. The House is ready and determined to work diligently to ensure these critical measures are enacted swiftly to support our nation’s progress and development,” aniya.
“These SONA measures are crucial for addressing our nation’s immediate needs and promoting sustainable development. We will work closely with the executive branch to ensure their swift and successful passage,” sabi pa niya.
Siniguro rin ng lider-kongresista na ipapasa ng Kamara ang nalalabing LEDAC priority bills.
“We are committed to completing the legislative agenda by passing these crucial measures. They are vital for our nation’s progress and prosperity, and we will ensure they are enacted swiftly and effectively,” pagtatapos ni Romualdez.