Ni EDWIN MORENO
HABANG papalapit ang 2025 midterm election, papainit na rin ang sitwasyon sa lalawigan ng Batangas. Dangan naman kasi, nagsimula nang mag-ingay ang mga non-government organizations laban sa napipintong pagtakbo bilang gobernador ng isang gambling lord.
Sa isang banda, tama lang naman mabahala ang mga Batangueño lalo pa’t malinaw naman ang motibo sa pagtakbo ng isang nagngangalang Mike Romantiko na higit na kilala bilang kapitalista sa likod ng STL con JUETENG, BOOKIES, PAIHI, SAKLA at pergalan sa Padre Garcia na sakop ni Mayor Celsa Rivera.
Kilalanin natin si Mike Romantiko. Sa ating pagtatanong-tanong, lumalabas na hinog sa kultura ng sugal ang damuhong financier ng illegal gambling operation sa naturang lalawigan.
Nagsimulang umugong ang pangalan ni Mike Romantiko na napag-alamang taga-Nueva Ecija, ay nagsimula sa bilang “kristo” sa mga sabungan.
Sa kalaunan, lumawak ang pag-unawa sa negosyo hanggang sa pasukin ang ilegal na pasugalan sa mga karatig lalawigan – kabilang ang Batangas kung saan salot ang tingin sa kanya ng mga mamamayan dahil sa 24-oras na operasyon nina alyas TISOY, NONIT at JEFF pawang galamay ng sindikatong protektado di umano nina Sarhento Adlawan gamit ang pangalan ni Batangas Police Director Col. Jacinto “Jack” Malinao.
Ultimo PAIHI hindi pinalusot ng tambalang MIKE ROMANTIKO at SARHENTO ADLAWAN.
Hindi pa nakuntento sa pambababoy sa integridad ng Philippine National Police (PNP), nagsanib-pwersa pa ang dalawang kumag sa hangaring palawakin ang 27/7 illegal gambling operation sa Batangas.
Ang kanilang plano – kontrolin ang kapitolyo.
Ang nakapagtataka lang, tila dedma sa malawakang illegal gambling operation sa lalawigan si Batangas Gov. Dodo Mandanas… bakit nga kaya?
Sa laki ng ganansya ng sindikato, hindi kataka-takang pati ang mga pulis na may prinsipyo nabuyo sa kinang ng gintong pang-akit ni MIKE ROMANTIKO na tumatabo ng P600,000 (net) kada linggo sa STL con JUETENG at BOOKIES – bukod pa sa lingguhang P500,000 sa SAKLA, P300,000 sa pergalan at P400,000 sa PAIHI.
Kamakailan lang sinibak ni Malinaw ang siyam na hepe ng lokal na pulisya sa Batangas, kabilang ang chief of police ng Padre Garcia na kilalang sentro ng operasyon ni TISOY, NONIT at JEFF.
Pero ang bagong talagang hepe, parang sitsaron sa pagiging marupok. Sa madaling salita, walang pinagbago sa Padre Garcia kung saan tuloy ang ligaya ng sindikato ni MIKE ROMANTIKO.
Sa sandaling maging gobernador ni MIKE ROMANTIKO, hindi malayong kilalanin ang Batangas bilang Illegal Gambling Capital ang Batangas.
Tutok lang sa Kalawit, para sa mga bagong pambababoy ni MIKE ROMANTIKO.
