BAGO pa man sibakin sa pwesto, may kapalit na si dating Executive Secretary Lucas Bersamin — at kinabukasan, agad na nanumpa ang kahalili sa PAlasyo.
Sa isang simpleng seremonya, personal na pinangasiwaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang panunumpa ni Ralph Recto bilang ika-41 Executive Secretary sa Malacanang.
Bukod kay Recto, nanumpa rin sa bagong tungkulin bilang Kalihim ng Department of Finance si Frederick Go.
Kapwa itinalaga sina Recto at Go matapos ang “pagbibitiw” ni Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman na kabilang sa mga pinaratangan sangkot sa flood control scandal.
Matapos ang panunumpa, inihayag ni Recto ang plano sa bagong trabaho — pagbabantay sa performance ng lahat ng departamento, pagma-maximize ng output, hindi papagambala sa ingay sa politika, at titiyakin walang ahensyang tulog sa pansitan.
