NAKIISA si House Speaker Martin Romualdez sa pagpapahayag ng pakikiramay sa pagpanaw ni Pope Francis, na inilarawan bilang isang huwaran sa malasakit at kababaang-loob na naghatid ng kagalingan at pag-asa sa milyun-milyong tao sa buong mundo.
“It is with a heavy heart that I join the world in mourning the passing of Pope Francis, whom we in Leyte—and across the Philippines—lovingly called Lolo Kiko,” pahayag ni Speaker Romualdez.
“To us, he was more than a Pope. He was a father, a friend, a guiding light in times of darkness. I will never forget how he came to Tacloban in the aftermath of Typhoon Yolanda, when our people were suffering beyond words,” dagdag ng lider ng 306-kinatawan sa Kamara de Representantes.
“He braved the storm, stood with us in the rain, and spoke not just as a leader of the Church, but as someone who truly felt our pain. His presence alone gave us strength. His words reminded us that even in loss, we were not alone. That God had not abandoned us,” dugtong ng Leyte solon.
Ayon kay Romualdez, isinabuhay ni Pope Francis ang tunay na diwa ng isang pinunong naglilingkod— ang pagkalinga sa mahihirap, may sakit, at mga nakalimutan ng lipunan, at ang pagbibigay hindi lamang ng panalangin kundi pati ng aksyon.
“That was who Pope Francis was—someone who saw beyond titles, beyond barriers. He reached out to the poor, the sick, the forgotten, and gave them a voice. He reminded us that true power lies in service, and that faith is not just about rituals, but about love in action,” mariing sabi ni Speaker Romualdez.
Sa panig ni AGRI Partylist Rep. Manoy Wilbert Lee, ikinalulungkot niya ang pagpanaw ng His Holiness, Pope Francis.
“Buong mundo ang nagluluksa sa pagpanaw ng ating Mahal na Santo Papa, na bago ang kanyang pamamaalam ay binendisyunan at ipinagdasal tayo sa Pasko ng Pagkabuhay,” ani Lee.
“Sa kanyang pagbisita dito sa Pilipinas, marami po sa ating mga kababayan, lalo na ang dumadaan sa matinding pagsubok, ang binigyan niya ng lakas at pag-asang bumangon at patuloy na manalig sa Panginoon,” dagdaga niya.
Sinabi ni Lee na mananatiling inspirasyon ang legasiya ni Pope Francis sa pagsusulong ng katarungang panlipunan, pagkakapantay-pantay, kababaang-loob, kapayapaan, pagmamahalan at malasakit sa isa’t isa, lalo na sa pinaka-nangangailangan.
“Nawa’y patuloy po nating isabuhay ang kanyang mga aral ng huwarang paglilingkod sa kapwa at matibay na pananampalataya sa Maykapal,” pahayag ni Lee.
“Let us pray for the eternal repose of his soul in the loving grace of our Almighty God. Requiescat in pace. Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko.” Pagtatapos ng AGRI party-list lawmaker. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
