HINDI pa tapos ang balasahan sa gobyerno. Ito marahil ang napagtanto ng iba pang opisyales ng pamahalaan matapos sibakin si Bienvenido Rubio bilang Commissioner ng Bureau of Customs (BOC).
Sa isang pahayag, kinumpirma ng Palasyo ang pagtatalaga kay Ariel Nepomuceno bilang bagong Customs Commissioner.Nanumpa na rin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Nepomuceno.
Gayunpaman, tikom ang bibig ng Palasyo sa dahilan ng pagsibak kay Rubio.
Bago itinalaga sa BOC, si Nepomuceno ay nagsilbing Executive Director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at naging Undersecretary ng Office of the Civil Defense.

Karagdagang Balita
Pork barrel scam: Enrile abswelto sa Sandigan
Reklamo laban sa mga gov’t officials tapos sa 60 araw?
Kaso vs. DPWH officials swak na sa Ombudsman