WALANG bakas ng pagsisi ang Palasyo sa ginawang pag-aresto kay former President Rodrigo Duterte.
Sa isang panayam, sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na handa ang pamahalaan dakpin ang iba pang akusado ni Duterte sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).
Gayunpaman, nilinaw ng abogadong opisyal ng Palasyo na tanging sa International Police Organization (Interpol) lang makikipagtulungan ang gobyerno, lalo pa’t hindi ma miyembro ng ICC ang Pilipinas.
Usap-usapan ang napipintong paglabas na warrant of arrest laban kay Senador Ronald Dela Rosa na nagsilbing Philippine National Police chief sa ilalim ng administrasyong Duterte. Bilang hepe ng pambansang pulisya, si Dela Rosa ang inatasan mangasiwa sa implementasyon ng giyera kontra droga ng dating administrasyon.
Bukod kay Dela Rosa, pasok din sa umano’y isusunod ng ICC si former PNP chief Oscar Albayalde.
Paglilinaw ni Castro, wala pang natatanggap na sipi ng bagong warrant of arrest ang pamahalaan.
