
KAPWA bigo mapabilang sa tinaguriang “Magic 12” sina Senador Bong Revilla at Lito Lapid, batay sa isinagawang senatorial survey ng The Issues and Advocacy Center (The Center).
Sa resulta ng non-commissioned survey na isinagawa mula Hunyo hanggang 17, umarangkada sa unang pwesto si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, kasunod sina dating Senate President Vicente Sotto III, former President Rodrigo Duterte, Senador Bong Go, dating Senador Manny” Pacquiao, former Manila Mayor Isko Moreno, Senador Imee Marcos, Senador Francis Tolentino, Senador Pia Cayetano, Doc Willie Ong, Senador Ronald dela Rosa at Rep. Camille Villar.
Sa senatorial survey na isinagawa noong huling bahagi ng nakalipas na taon, pasok ang pangalan nina Revilla at Lapid.
Ayon sa The Center, ang survey ay gumamit ng standard multi-stage, area probability sampling (MSAP) na may 1,200 respondents mula sa National Capital Region (NCR), Luzon, Visayas at Mindanao.