TALIWAS sa inaasahang pagsibak sa pwesto bilang kongresista, 60-araw suspensyon lang ang rekomendasyon ng House ethics committee kay dating House Speaker Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez kaugnay ng panawagan para ilaglag sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay House committee on ethics and privileges chairman at COOP NATCCO partylist Rep. Filemon Espares upang ilahad ang rekomendasyon ng komite na suspendihin si Alvarez.
Gayunpaman, tinutulan ang hiling ni Espares na suspendihin si Alvarez, kasabay ng giit ni Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo na masyadong mabigat ang parusang rekomendasyon ng komite.
Mungkahi ni Romualdo, censure lang para sa dating lider ng Kamara.
“Censure is a formal reprimand a public statement of the House of Representatives of its disapproval of the conduct of representative Pantaleon Alvarez,” paliwanag ni Romualdo.
Sa botong 186 pabor, limang tutol, at pitong abstention, pinagtibay ng Kamara ang parusang censure laban kay Alvarez.
