DALA sa labis na pagkadismaya sa kawalan ng kasong isinampa at ang pagpayag ng biktima makipag-areglo, hinikayat ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang pamahalaan na tumayong complainant sa paghahain ng asunto.
Partikular na tinukoy ni Tulfo ang aniya’y nakakagalit na insidenteng nakunan ng video kung saan huli sa akto ang isang dating pulis sa pananakit ang panunutok ng baril sa isang siklista sa Quezon City noong Agosto 8.
Para kay Tulfo, hindi angkop na palampasin ang mga tulad ni Wilfredo Gonzales, isang dating pulis ng Quezon City Police District (QCPD).
Sa gigil ni Tulfo, inihain ang House Bill 8991 (An Act penalizing Acts of Road Rage and for Other Purposes), katuwang ang sina ACT-CIS partylist Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo gayundin si Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo, sa hangaring isulong ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mapatutunayang nagkasala sa mga kahalintulad na insidente.
“Reports said, the suspect and the victim reached an agreement or settlement at the police station, and perhaps the poor cyclist was also concerned for his personal safety and security and that of his family if he files charges against the ex-cop,” pahayag ni Tulfo.
“Ito po ang dahilan kung bakit ako po at ang aking mga kasamahan sa ACT-CIS (partylist) ay maghahain ng panukalang batas na ituloy ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga road rage drivers o suspect kahit pa umatras na ang kanilang mga biktima,” dugtong pa niya.
Sa ilalim ng HB 8991, nakasaad na ang estado – sa pamamagitan ng kinauukulang legal at law enforcement agencies ay magkakaroon ng kapangyarihan ng usigin ang suspek sa isang road rage incident, lalo pa’t ang ayaw ng bitkima maghabla sa anupamang dahilan, kabilang ang areglo at pananakot.
“No more! Enough is enough! The government should take over in filing cases against these menaces in our society even if their victims show no more interest in attaining justice,” giit pa ni Tulfo.
Iminungkahi rin nina Tulfo ang mabigat na parusa partikular ang kulong na mula anim hanggang 12 taon at multa na P250,000 hanggang P500,000 kung ang insidente ay hahantong sa pagpanaw ng biktima.
Kapag ang sangkot naman ay isang opisyal o kawani ng pamahalaan at napatunayang nagkasala, sila ay mahaharap sa accessory penalty na perpetual disqualification from government service.
“We have to put an end to this culture of impunity wherein the powerful and the influential go scot-free in this country. We must never allow armed bullies to terrorize the weak and the helpless in the four corners of this nation whether they be rebels, terrorists, and worse people in authority.”
