
SA gitna ng patuloy na banta ng nakamamatay na antas ng alinsangan bunsod ng sabayang epekto ng tag-init at El Niño phenomenon, iminungkahi ng Department of Education sa mga pampublikong paaralan na idaos na lamang sa gabi ang graduation rites ng mga mag-aaral sa elementarya at high school.
Sa ginanap na Bagong Pilipinas public briefing, inamin ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas na naglabas na ng abiso ang kagawaran sa pamunuan ng mga pampublikong paaralan na walang angkop na pasilidad na pwedeng silungan.
Kung masyadong malaki naman ang okasyon, kabilang sa pwede aniyang gawing “per batch” ang graduation rites sa covered court ng mga public schools.
Sa abiso ng DepEd, isinusulong ang graduation rites sa pagitan ng alas 6:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi pata tiyakin hindi maapektuhan sa mainit na panahon.