MATAPOS salantahin ng magkakasunod ng bagyo at yanigin ng malakas na lindol, muling nahaharap sa pagsubok ang mga Cebuano matapos matabunan ng gumuhong bundok ng basura ang nasa 38 indibidwal sa Barangay Binaliw, Cebu City.
Sa datos ng lokal na pamahalaan, isang 22-anyos na babae ang kumpirmadong nasawi sa insidente. Nasa 12 naman ang lubhang nasaktan habang patuloy ang paghahanap sa iba pa.
Ayon sa Cebu City Police Office, nangyari ang landslide dakong alas 4:23 ng hapon noong Huwebes, Enero 8, sa Prime Waste Solution Landfill sa Sitio Kainsikan.
Patuloy naman ang isinasagawang search and rescue operation sa kabila ng panganib na dulot ng nakamamatay na methane na karaniwang nalilikha sa pagkabulok ng mga basura. (LILY REYES)
