LUBHANG delikado para sa mga residente ng Barangay Balud sa bayan ng Tanauan sa lalawigan ng Leyte ang pananatili sa kani-kanilang tahanan matapos bumigay ang isang flood control project bunsod ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan.

Pag-amin ni Jimmy Varona na tumatayong chairman ng Barangay Balud, nasa 300 metro na konkretong bahagi ng flood control project sa kanilang lugar ang nawasak noong ika-6 ng Enero.

Nagpahayag din ng agam-agam si Varona sa kapakanan ng mga nasasakupan, lalo pa’t patuloy umano ang pag-ulan sa kanyang pamayanan. Naniniwala naman ang mga residente ng naturang barangay na wala sa ayos ang flood control project na umano’y ginamitan ng “ga-tingting na kabilya, at layo-layo pa ang distansya.”

Sakop ng distrito ni dating House Speaker Martin Romualdez ang Barangay Balud. 

By ..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *