Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
BILANG pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., agad na kumilos ang Kamara para ihatid ang angkop ng tugon ng gobyerno sa mga biktima ng bagyong Enteng.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, pangunahing tinututukan na ng Kamara ang pagpapalabas ng P390-milyong halaga ng tulong pinansyal sa typhoon victims sa mga lubhang nasalanta sa National Capital Region (NCR) at mga karatig lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon) na nakaranas ng matinding pagbaha.
Nakatakda rin maglabas ng pondo ang Office of the Speaker, katuwang ang Tingog Partylist para naman sa pamamahagi ng 35,000 food packs na ipapadala sa mga evacuation centers simula ngayong araw.
“Sisimulan natin ngayon ang ating relief mission katuwang ang Tingog Partylist. Nauna tayong humiling ng hiwalay na pinansyal na ayuda para sa mga distritong nasalanta alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na alalayan ang mga naapektuhan ng bagyo,” wika ni Romualdez.
“My heartfelt sympathies are with all Filipino families affected by Typhoon Enteng. The flooding in the National Capital Region and Calabarzon, especially soon after Typhoon Carina, is a heavy burden,” dugtong niya.
“I understand how overwhelming it must be to face these challenges back-to-back, and I want you to know that you are not alone – we stand with you during this difficult time,” dagdag ng lider ng Kamara.
Ayon pa lider-kongresista, pinaglaanan ng tig-10 milyon ang 39 congressional districts na una nang tinukoy na na lubhang nasalanta ng bagyong Enteng.
Ang kabuuang P390 milyong financial assistanceay popondohan sa ilalim ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“We, at the House of Representatives, have quickly organized financial assistance to help those in need. Through the DSWD AKAP Program, we are providing P10,000 to each of the affected families. While this may be a small step, I hope it offers some immediate relief and helps you begin the process of rebuilding,” paglalahad pa ng Leyte solon
“I want to extend my sincere gratitude to the House Members who moved swiftly to ensure this support reached those who need it most. Their dedication to serving their communities in such trying times is commendable.”
