MAHABA-HABANG bakasyon sa loob ng piitan ang bubunuin ng tatlong arestadong Chinese nationals na nasa likod ng serye ng kidnapping sa katimugang bahagi ng Metro Manila.
Sa ulat ng Parañaque City Police, timbog sa magkakahiwalay na operasyon ang mga Chinese nationals na sina alyas Jun, Hao at Zhang na itinuturong kumidnap sa 23-anyos na babaeng Vietnamese na residente ng Shore Tower Residence as lungsod ng Pasay.
Sa imbestigasyon, lumalabas na ikinulong, pinagnakawan, at ginahasa pa ng mga suspek sa isang residential resort sa Barangay Tambo ang biktimang nagmamay-ari ng isang negosyong money changer.
Kwento pa ng biktima, kinontak di umano siya ng mga suspek para magpapalit ng pera. At dhil negosyo naman di umano niya ang magpalit ng pera, sumang-ayon siyang makipagkita.
Pagdating niya di umano sa Barangay Tambo, sinabihan siyang dumeretso sa isang unit Bayshore Residence kung saan na di umano kinuha ang milyun-milyong halaga ng pera, mga alahas at ilang pirasong cellphones.
Hindi pa nakuntento, ikinulong pa siya ng ilang araw sa nasabing unit kung saan diumano siya ginahasa ng paulit-ulit – hanggang sa dumating ang mga operatiba ng pulisya.
Ayon naman sa Tambo Police Substation, isang gwadiya ng Bayshore Residences ang dumulog sa himpilan ng pulisya sa kaduda-dudang bulahaw ng biktimang tila humihingi umano ng saklolo.
Narekober ng pulisya mula sa mga suspect ang iba’t ibang uri ng baril at mga bala at mga electronic device.
