
BUKOD sa sukdulang alinsangan dala ng init ng panahon, sakit ng ulo ang kinakaharap ng mga pangkaraniwang pamilya sa Metro Manila at mga karatig lalawigan bunsod ng dagdag-singil na ipinataw ng Manila Electric Corporation (Meralco) ngayong buwan ng Marso.
Sa pagtataya ng Meralco, papalo sa P5 ang dagdag-singil sa monthly bill ng mga pamilyang kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.
Ayon sa Meralco, nagtaas ng 39.76 sentimos per kWh ang transmission charge dulot na rin anila ng tatlong patong na halaga ng ancillary charges.
Paliwanag ni Meralco vice president and head of corporate communications Joe Zaldarriaga, hindi hamak na mababa kaysa sa inaasahan ang ipinataw ng dagdag-singil sa mga consumer matapos bumaba ng P39.18 per kWh ang generation charge.
“Our earlier projection of a lower generation charge would have resulted in lower overall rates. However, the steep upward adjustment in the transmission charge effectively wiped out the reduction in generation charges causing a slight uptick in overall rates,” ani Zaldarriaga.