
HIMAS-rehas ngayon ang isang dating konsehal ng lungsod ng Maynila matapos dakmain ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng kasong kidnap-for-ransom.
Kinilala ng NBI – International Airport Investigation Division ang suspek na si former Manila Councilor Roderick Valbuena.
Dinakip si Valbuena matapos lumapag asa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplanong sinakyan mula sa Las Vegas.
Ayon sa NBI, kabilang si Valbuena sa limang akusado sa kasong kidnapping for ransom na isinampa sa Makati City Regional Trial Court Branch 61, kung saan dinukot umano ng mga ito ang isang Malaysian at tatlong Chinese noong Hunyo 2, 2024.
Kasalukuyan nakapiit si Valbuena sa NBI detention facility.