
Sprinklers watering system working of green golf course. Watering system for garden herbs
HABANG kinakapos ng supply ang mahigit 14 milyong residente ng Metro Manila, 24-oras na dinidiligan ang pinong damuhan sa palaruan ng mga mayaman.
Hindi man hayagan, mistulang inamin ng Department of Environment of Environment and Natural Resources (DENR) ang walang habas na pagsasayang ng limitadong supply ng tubig ng mga naglalakihang golf course sa kabisera.
Sa isang kalatas, nanawagan ang DENR sa mga may-ari at operator ng mga golf course sa iba’t ibang bahagi ng National Capital Region na magtipid ng tubig sa gitna ng annila’y mabilis na pagkatuyo ng Angat Dam kung saan nangmumula ang 90% ng supply para sa Metro Manila.
“We need all sectors of society to contribute to conserving our water supply,” saad ng DENR sa liham na ipinadala sa mga tagapangasiwa ng mga golf course sa Metro Manila.
Kabilang sa atas ng departamento ang pagbalangkas ng “water conservation measures” sa pagdidilig ng “fairways and greens.”
Mungkahi ng DENR, gumamit ng recycled water.
Batay sa datos ng ahensya, may siyam na golf course facilities sa Metro Manila kabilang ang Camp Aguinaldo Golf, Veterans Golf, Army-Kagitingan Golf, Villamor Golf, Club Intramuros, Philippine Navy Golf, Wack-Wack Golf, Manila Golf,, Sun Valley Golf, at Alabang Golf – at tatlo sa lalawigan ng Rizal, kabilang ang Valley Golf sa Cainta, Forest Hills Golf sa Antipolo at Eastridge Golf sa Binangonan.
Inatasan din ng DENR ang mga nangangasiwa ng golf course na patayin muna ang main valve ng linya ng tubig sa mga oras na sarado ang pasilidad – mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.
Sa mga golf clubs na may swimming pool, hinikayat ng departamento na ipagpaliban muna ang pagpapalit ng tubig.
Babala ng DENR, mag-iikot ang mga kawani ng kagawaran para tiyakin ang pagtalima sa direktiba ng departamento.