
TANGGAL na sa trabaho, kanselado benepisyo at isang taong pagkabilanggo ang hatol ng korte laban sa isang dating inspektor ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa desisyon ng Quezon City Metropolitan Trial Court, pinatawan din ng P500,000 multa si Rolando Cepe matapos “mapatunayan nagkasala ng walang bahid alinlangan” para sa kasong extortion na inihain ng isang negosyante.
Dating Fire Safety Inspector for Electrical Inspections si Cepe. Bukod sa kasong extortion, sapul din ang dating BFP official para sa paglabag sa Republic Act 11032 na mas kilala sa tawag na “Ease of Doing Business.”
Batay sa record, si Cepe ay ireklamo sa Anti Red Tape Authority (ARTA) ng isang indibidwal na hiningan ng malaking halaga kapalit ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) sa pag-aaring gusali nito.
Matapos matanggap ang sumbong, agad nagsagawa ng entrapment operation ang ARTA, kasama ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group. (LILY REYES)