BINULABOG ng kilos protesta ang tanggapan ng Department of Energy sa Bonifacio Global City kung saan nakabase ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na nag-iimbestiga sa tinaguriang flood control scandal.
Panawagan ng mga lumahok sa kilos-protesta, paspasan ang imbestigasyon para maipasok agad sa kulungan ang mga umano’y kawatan sa kaban ng bayan.
Hiniling din ng mga aktibista sa ICI na tiyakin mananagot sa batas ang mga sangkot sa malawakang katiwalian sa pamahalaan — kesehodang kamag-anak pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang may kasalanan.
Bitbit ng mga plakard na may mabigat na mensahe laban sa mga kawatan — ibalik ang ninakaw sa bayan at harapin ang kaparusahan sa nagawang kasalanan.
Bagamat nagkaroon ng tensyon sa lugar na pinagdausan, wala naman naitalang kaguluhan hanggang sa matapos ang kilos-protesta. (LILY REYES)

Karagdagang Balita
Scam hub sa Malate bistado, 39 arestado
Arson hinala ni Remulla sa nasunog na DPWH office
Tanggapan ng DPWH sa Kyusi sadyang sinunog?