ARESTADO sa mga operatiba ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang 39 indibidwal na pinaniniwalaang bahagi ng isang sindikato sa likod ng online scam.
Ayon kay PNP-ACG Director Police Brig Gen. Bernard Yang, pinasok ng mga operatiba ang pugad ng online scam sa bisa ng isang search warrant.
Kabilang sa mga nadakip ang walong Chinese at isang Taiwanese national na huli sa akto habang pinangangasiwaan ang online scamming operation ng nasabing sindikato.
Ani Yang, ang sangkot umano ang naturang grupo sa love scam at investment fraud gamit ang artificial intelligence (AI) sa panloloko.
Nsamsam din sa naturang operasyon ang 267 digital evidence, 36 computer units, at 200 pirasong cellphone.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code, SIM Registration Act, at Cybercrime Prevention Act of 2012. (EDWIN MORENO)

Karagdagang Balita
ICI kinalampag, graft probe buksan sa publiko
Arson hinala ni Remulla sa nasunog na DPWH office
Tanggapan ng DPWH sa Kyusi sadyang sinunog?