HINDI tsapa ang pwesto para magpaputok ng baril sa hangaring pasunurin ang mga tao. Ito marahil ang napagtanto ng isang barangay chairman matapos dakpin ng mga pulis-Maynila.
Sa ulat ng Manila Police District (MPD), nagpaputok umano ng baril ang hindi pinangalanang barangay chairman sa gitna ng clearing operation sa Tondo Maynila.
Target umano ng naturang clearing operation tanggalin ang mga ilegal na istrukturang nakahambalang sa kalsada.
Wala naman napaulat na nasaktan sa naturang insidente.
Nakatakda naman sampahan ng kasong illegal discharge of a firearm ang barangay chairman. (ITOH SON)
