
TALIWAS sa ibinibidang pag-unlad ng ekonomiya sa bansa, bumagsak ang halaga ng piso kontra dolyares sa antas na P58.20 sa bawat isang dolyar, ayon sa Bankers Association of the Philippines (BAP).
Sa datos ng BAP, nagbukas ang palitan ng piso kontra dolyar sa P57.97. Dakong alas 11:00 ng umaga naman nang tuluyang sumubsob ang exchange rate sa antas na P58.20 kontra US dollar.
Ayon sa BAP, ang naitalang antas ang pinakamahina sa nakalipas na 15 buwan.
Ayon naman kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Eli Remolona, papasok sa eksena ang BSP para makontrol ang patuloy na paglagapak sa halaga ng piso.