SINUSPINDE ng Korte Suprema ang operasyon ng mga hukuman sa Camarines Norte at Catanduanes bunsod ng masamang panahon.
Sa abiso ng Public Information Office (PIO) ng Korte Suprema, pansamantalang kinansela ang operasyon sa lahat ng trial courts sa Camarines Norte.
Wala rin pasok sa Municipal Circuit Trial Court ng Panganiban-Viga-Bagamanoc sa Catanduanes
Pinasisiguro naman ng Korte Suprema na may hotline, email, o skeleton force na makatutugon sa mga importanteng transaksyon.
Kabilang dito ang aplikasyon para sa bail o piyansa, paglalabas ng release order, writs of habeas corpus at kahalintulad na aksyon. (JULIET PACOT)
