MATAPOS ang kabo-kabilang paghahanda, tila mapupurnada ang pagsasagawa ng special election sa lungsod ng Antipolo bunsod ng kawalan ng pondo.
Pag-amin ni Commission of Elections (Comelec) chairman George Garcia, siya man ay nadismaya sa pagtanggi ng Palasyo sa hirit ng P98 million para sa pagdaraos ng halalan sa ikalawang distrito ng Antipolo para punan ang bakanteng pwesto sa pagpanaw ni Congressman Romeo Acop.
Sa isang press briefing sa Comelec, ibinahagi ni Garcia ang desisyon ng Office of the President kaugnay hinihinging pondo para matustusan ang halalan, lalo pa’t nasa P11 milyon na lamang umano ang hawak na budget ng komisyon.
Una nang itinakda ang special election sa Marso 14, 2026.
Samantala, sinimulan na ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa botohan sa ikalawang distrito ng Antipolo. (JULIET PACOT)
