NI ROMEO ALLAN BUTUYAN II
BIBIGYANG prayoridad ni former Davao City representative Karlo Nograles ang pagkakaroon ng online permits processing sa lungsod at iginiit na ang pagkakaroon ng mabilis at maayos na pag-iisyu ng lokal na pamahalaan ng business permits ay makatutulong din sa paglikha ng ‘high quality jobs’ para sa mga Davaoeño.
“In this fast-paced world, speed and efficiency are the bywords that determine whether a city is deemed viable for business. Time is money, especially for big businesses. So if we are to attract them to Davao City we need to show the world that setting up a business here is easy and hassle-free,” wika ni Nograles.
“Gaya ng madalas kong sabihin, permits delayed are jobs denied. A fully-digital City Hall will help us address bottlenecks and simplify the permit process. If we can approve and grant permits within days instead of weeks, that will be a strong message that we are ready for business,” dagdag niya.
Paliwanag ng naging chairperson din ng Civil Service Commission (CSC), ang pagkakaroon ng ‘business-readiness’ ay mahalaga sa layuning makapang-engganyo ng marami pang private sector enterprises na mag-negosyo sa Davao City, na makapagbigay ng maraming trabaho sa mga mamamayan ng lungsod.
Sinabi pa ni Nograles na ang layunin niyang maging fully digitalized ang lokal na pamahalaan ay nakatuon sa makahimok ng mas maraming pang negosyante sa lungsod, alinsunod na rin sa mga programa niya makita, marinig at maramdaman ng mamamayan ang kanilang City Hall.
“We want not just more jobs, but more quality jobs. This will be possible if we can convince various industries such as tech, the knowledge industry, manufacturing, and even modern agriculture to capitalize on Davao City’s advantages,” ayon pa kay Nograles.
“I believe that these will all follow once we make a serious push towards improving the city’s digital infrastructure, starting with city hall,” saad din niya.
Ani Nograles, maging ang mga small business owner at worker sa hanay ng tinatawag na gig economy ay magkakaroon din ng malaking kapakinabangan sa isang fully-digital city hall.
“Yung mga araw na ilalaan halimbawa ng delivery rider para mag-apply ng permit, kita na ‘yan na mawawala at ikagugutom ng pamilya nila. Kapag nag-apply ang sari-sari store owner mula District 2 or 3 at pumunta pa sa city hall, kailangan pang isara ang tindahan nang buong araw. Maiiwasan natin ang ganitong perwisyo kung online na ang mga proseso.”
