NI ROMEO ALLAN BUTUYAN II
NASA maayos na kalusugan si Atty. Zuleika Lopez, batay sa pagsusuri ng mga doktor mula sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC), ayon sa isang opisyal ng Kamara.
“Yung nakuha po nating report mula sa doctor ng [PNP] na kasama po ni Atty. Lopez na nagdala sa kanya sa [VMMC], ang resulta po ay normal ang lahat ng kanyang vital signs, pati na ang ECG. Kaya po nagtataka kami kung bakit kinakailangan pa siyang ilipat at ipa-check sa St. Luke’s,” ayon kay Major Napoleon Taas (retired) na tumatayong Sergeant-at-Arms ng Kamara de Representantes.
“Perhaps a second opinion, just for added peace of mind. But ang last na report po sa atin ng PNP doctor is normal ang condition. She is in pretty good shape,” dagdag ni Taas.
Base sa inisyal na obserbasyon ng doktor ng PNP, posibleng nagkaroon ng panic attack ang abogadong chief of staff ni Vice President Sara Duterte.
“I cannot confirm [because] I’m not a doctor, but from the reports we got, also specifically from the PNP doctor, para pong panic attack ang observation,” ani Taas.
Sa pagtataya aniya ng mga tauhan ng Kamara, wala naman umano nakitang suicidal tendency kay Lopez, na unang nakulong sa Kamara matapos na ma-cite in contempt dahil sa liham na ipinadala sa Commission on Audit (COA) kung saan hayagang sinabihan ang state auditor na huwag ibigay sa komite ng Kamara ang mga rekord kaugnay ng paggastos ng confidential fund ni VP Sara.
“Daily po natin tsine-check yun — twice a day po natin kinukuha yung vitals for us to get the opportunity na i-assess yung ating detainees kung meron bang suicidal tendencies,” saad ni Taas.
“And as regards to Atty. Lopez, wala po tayong report from all those on duty. Nagrereport po ng regular basis yun. Wala pong suicidal tendencies.”
