SA laki ng lumabas na pera para sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ni House Speaker Martin Romualdez, kinapos na marahil ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa sariling programa.
Sa isang pahayag, nanawagan si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga negosyante sa likod ng mga restaurant at fast food chain para sa donasyon ng pagkain na gagamitin sa programang ‘Walang Gutom Kitchen’ ng naturang departamento.
Bukod sa pagkain, hinikayat din ng Kalihim ang mga indibidwal na magsilbi bilang volunteer sa programang naglalayon maibsan ang gutom sa hanay ng mga maralitang pakalat-kalat sa lansangan.
Sa mga aniya’y nais magbahagi ng tulong at magsilbi bilang volunteer ng Walang Gutom Kitchen, pwede aniyang magtungo sa Nasdake Building sa Pasay City.
Disyembre 16 ng inilunsad ng DSWD ang naturang programa.
