Ni Edwin Moreno
MALIBAN sa mga lugar na malayo sa kabihasnan, asahan ang mas mabilis na pagresponde ng Philippine National Police (PNP) sa mga tawag ng saklolo.
Ito ang tiniyak ni Brigadier General Warren Gaspar Tolito na tumatayong Director for Communications and Electronics Services (CES) sa bisa aniya ng pagtawag sa emergency hotline 911.
Garantiya ni Tolito, sa loob lang ng limang minuto pagkatapos tumawag sa emergency hotline 911, darating ang responde sa tutukuying emergency scene sa tulong ng 911 Call Handling System.
“PNP first responders are able to provide solutions and assistance within five minutes or less, depending on location,” ayon kay Tolito.
Payo pa ng opisyal sa publiko, manatiling kalmado kapag tumatawag sa 911.
