
KALABOSO sa entrapment operation na ikinasa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na nagpakilalang konektado kay First Lady Liza Araneta-Marcos bunsod ng bentahan posisyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliament.
Sa kalatas ng NBI, sasampahan ng kasong syndicated estafa ang anim na hindi pinangalanang suspek bunsod ng pangungulimbat ng milyon-milyong piso sa mga biktimang pinangakuan ng pwesto sa BARMM Parliament sa bisa umano ng lagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Swak din sa kasong usurpation of authority ang ina inarestong indibidwal na nagpakilalang empleyado ng Office of the President sa Malacañang.
Enero 2 nang dakpin sa entrapment operation na ikinasa ng NBI sa Manila Hotel, matapos magasumbong ang isa sa mga biktima ng grupong nag-aalok ng pwesto sa BARMM Parliament kapalit ng P15 milyon.
Samantala, nilinaw ng Office of the President na hindi konektado sa Unang Ginang at maging sa Palasyo ang mga suspek.