
HINDI na kailangan pang magdusa sa mabigat na daloy ng mga sasakyan sa mga lansangan ng Metro Manila, ayon sa Department of Transportation (DOTr) kasunod ng paglulunsad ng kauna-unahang electric passenger ferry na biyaheng Ilog Pasig.
Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ng DOTr ang pagbiyahe ng M/B Dalaray na hindi na kailangan kumonsumo ng petrolyo.
Ayon sa ahensya, pasok sa kategorya ng “eco-friendly transportation” ang electric passenger ferry na humuhugot ng enerhiya sa tulong ng solar panel.
Layunin ng proyekto isulong ang eco-friendly transportation para panatilihin malinis ang Ilog Pasig, at magsilbing alternatibong solusyon sa lumalalang trapik sa Metro Manila. (LILY REYES)