ISA sa mga kapwa akusado sa kasong plunder ang tatayong testigo laban kay dating House Speaker Martin Romualdez. Sa resolusyon ng Sandiganbayan Third Division, inaprubahan ang hiling ng prosekusyon na maging state witness si Samchan President Felicito Cristobal Guevarra. Nag-ugat ang kaso sa umano’y pagtanggap ni Romualdez ng nasa P7.4 bilyon bilang komisyon sa mga flood control projects ng pamahalaan sa panahon ng panunungkulan bilang lider ng Kamara. Itinanggi na ni Romualdez ang alegasyon. Sa resolusyon ng korte, inaprubahan ang kahilingan ng prosekusyon na alisin si Guevarra sa listahan ng mga akusado sa pamamagitan ng pag-amyenda sa information o pormal na sakdal laban sa mga respondent. Una nang pinahintulutan ng Sandiganbayan na palitan ni Guevarra si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan bilang testigo ng prosekusyon sa pagdinig sa petition for bail na inihain ng kampo ni Romualdez. Ayon sa korte, may sapat na batayan para sa pagpapalit ng testigo dahil sa mahalagang impormasyong inaasahang maibibigay ni Guevarra upang makatulong sa prosekusyon na patunayan ang umano’y malawakang network ng katiwalian na sangkot sa kaso. Kinatigan din ng korte ang hirit ni Guevarra manatili sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI). Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Pagkalas ni Mans Carpio sa Cale88, kunwari lang?