PATONG-patong na kaso ang inihain ng isang negosyante laban sa alkalde ng bayan ng Panglao sa lalawigan ng Bohol kaugnay ng di umano’y panggigipit at pagpapatigil ng operasyon ng Villa Tomasa-Alona Kew Hotel Resort resort dahil sa kawalan ng mayor’s permit.
Partikular na sinampahan ng kasong kriminal sa Provincial Prosecutors Office sa Tagbilaran si Panglao, Bohol Mayor Edgardo Arcay na pwersahan di umano pinasara ang establisyemento kahit di pa tapos ang 5-year lease agreement sa inuupahan lupa.
Ayon sa kampo ng Villa Tomasa-Alona Kew Hotel Resort resort, Abril 26 nang ipasara at isailalim sa kustodiya ng lokal na pamahalaan ang establisyemento – bagay na ikinagulat di umano ng nasa 300 turistang bumibisita sa Bohol.
“Victims of illegal acts at Villa Tomasa-Alona Kew Resort in Panglao Bohol have filed criminal and civil cases against those responsible for their dispossession,” ayon sa abogado ng resort.
“They will also file the proper legal action against anyone buying the hotel resort as the said victims have a valid and existing option to buy the subject property which is in the nature of a right of first refusal. If any buyer cooperated with the dispossession, they too will be made liable criminally,” saad pa sa isang pahayag.
Giit naman ng lokal na pamahalaan, walang permit ang Villa Tomasa-Alona Kew Hotel Resort.
Tugon naman ng abogado ng establisyemento, makailang ulit na anila silang nag-apply ng business permit pero tinabla ng lokal na pamahalaan.
