USAP-USAPAN sa lalawigan ng Laguna ang umano’y napipintong pagtakbo ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag laban kay incumbent Gov. Sol Aragones. Gayunpaman, agad na itinanggi ni Matibag ang umano’y pagsabak sa politika, Aniya, bukod sa kumare niya ang punong lalawigan, mahusay din aniyang gobernador ang dating mamamahayag. “Categorically, I’m saying, I am not running for governor sa Laguna. Si Sol is a good governor, she is my kumare,” ani Matibag sa panayam na lumabas sa Bilyonaryo News Channel. Pag-amin ng NBI chief, minsan na niyang inanyayahan si Aragones para sa isang hapunan. “Alam niyo po, for those who understand local politics… ‘yung mga local leaders, ‘pag medyo gusto nila na lagi silang pinapansin at nabibigyan ng something, at alam nila na parang wala yatang kalaban ‘to si mayor o si governor ah, kailangan we create a scenario,” wika ni ni Matibag. Para kay Matibag, walang puwang ang politika sa dami ng trabaho sa ahensya. Hindi rin aniya dapat malihis ang atensyon ng kawanihan. “Mahirap po tayo na mag-isip ng politika this time, lahat po ‘yan. Because it will affect what we’re doing. And people will think na kaya mo ginagawa lahat ‘yan eh ‘yun naman, gusto naman pala na ganito eh. Let’s just keep doing our mandate kasi nandirito po tayo eh. ‘Wag na muna natin tingnan ‘yung hinaharap,” aniya. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Sotto namumuro humalili bilang pangalawang pangulo?