A contingent from the Philippine Coastguard sets to implement a "no sail policy" along the coast of Manila Bay on Marh 14, 2020, as part of the community quarantine directive of President Rodrigo Duterte to prevent the spread of Covid-19. Photo by Ben nabong/Rappler

SA hangarin tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamalakaya, pansamantalang ipinagbawal ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pangingisda at paglalayag ng mga sasakyang-pandagat sa mga itinalagang no-sail zone sa sa karagatang sakop ng Barangay Dodan sa bayan ng Penablanca sa lalawigan ng Aparri.

Sa kalatas ng Armed Forces of the Philippines (AFP), hindi muna pwede maglayag sa 7,212 ektaryang katubigan hindi kalayuan sa Fuga Island sa Nobyembre 21 at 24 upang bigyang-daan ang Counter-Landing Live Fire Exercises na bahagi ng AFP Joint Exercise Dagat-Langit-Lupa.

Ayon sa AFP, higit na angkop tiyakin muna ang kaligtasan ng mga mangingisda at manlalakbay lalo pa anila’t gagamit ng “live ammunitions” sa isasagawang military live-fire exercises na naglalayon sanayin ang palakasin ang kakayahan ng bansa sa pagtatanggol sa mga baybaying sakop ng Pilipinas.

Panawagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakabase sa Cagayan sa mga mangingisda at operator ng mga sasakyang-pandagat, iwasan ang “designated no-sail zone.

Samantala, tiniyak ng PCG na nakaantabay ang mga bantay-dagat — sasa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga hakbang pangkaligtasan habang isinasagawa ang mga military exercise

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *