Ni JAM NAVALES
PARA kay Agri partylist congressman Wilbert Lee, napapanahon ng tukuran ng gobyerno ang Agardwood (Lapnisan) industry na may kakayahang lumikha ng 30,000 trabaho, bukod pa sa inaasahang dagdag-kita sa hanay ng mga magsasaka.
“Napakalaki ng potensyal na makatulong itong Agarwood industry, hindi lang sa sektor ng agrikultura kundi sa ating buong ekonomiya. Mula sa seedlings hanggang sa pagiging puno, lahat may pakinabang,” pahayag ni Lee.
“Its seedlings alone can generate an income of thousands of pesos per month. If maximized, it could also generate opportunities up to approximately 20,000 to 30,000 jobs directly and indirectly, including roles in cultivation, harvesting, processing, marketing, and sales,” dugtong ng kongresista na may-akda ng House Bill 10320 (Agarwood Industry Development Act).
Sa ilalim ng isinusulong na panukala, kumbinsido si Lee na ang naturang industriya ay may kakayahang magbigay ng mas malawak na oportunidad sa pag-unlad.
Paliwanag ng kongresista, pasok sa kategorya ng “high-value industry” ang Lapnisan na higit na kilala sa katangi-tanging halimuyak na angkop sa paggawa ng insenso, pabango at medisina.
“Reportedly, the price of Agarwood per kilo ranges from P24,000 to P53 million, depending on quality. Being classified as a threatened plant and endangered species, the government highly regulates its trade and commercialization to protect it from further extinction,” aniya pa.
“Currently, we have regulations for farmed Aquilaria, those which are cultivated for trade. But with the promising profits from a sustainable Agarwood industry which can generate jobs and livelihood across the country and contribute to the Philippine economy, the government must optimize the industry by allowing more Filipinos to venture into it while ensuring protection of our natural resources to avoid exploitation.”
Sa ilalim ng HB 10320, itatatag ang Agarwood Industry Authority (AIA) na siyang magsusulong at magtatakda ng panuntunan hinggil sa pagtatanim, pagpaparami, pag-ani, pagbebenta, commercialization, development, at pagpapalawak ng Aquilaria.
“Kasabay ng pag-commercialize, dapat may malinaw na patakaran o sistema ng pagpaparehistro nito para ma-monitor ang mga legally at illegally acquired Agarwood, upang maiwasan ang pag-abuso at paglapastangan sa kalikasan,” dugtong ng Bicolano legislator.
“Winner Tayo Lahat sa dagdag na trabaho at kita para sa libo-libo nating kababayan na maihahatid nitong paglinang at pagpapalawak sa industriya ng Agarwood. Makapagbibigay ito ng kapanatagan ng loob sa pantustos sa pagkain, at sa iba pang gastusin, lalo na sa pangamba ng marami na magkasakit, dahil sa takot na lalong malubog sa hirap at utang dahil walang pambili ng gamot o pambayad sa hospital.”
