Ni ESTONG REYES
MISTULANG inabswelto ni Senador Francis Escudero ang Palasyo sa gitna ng usap-usapan kaugnay ng naganap na kudeta sa pamunuan ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Escudero, Senado, siya ang pasimuno at gumapang sa mga kapwa senador para ilaglag si Senador Juan Miguel Zubiri bilang Senate President.
“Thursday lang ako nagtanong at nagpasya,” ani Escudero.
Gayunpaman, hindi kumbinsido sa tinuran ni Escudero. Katunayan pa aniya, Miyerkules pa lang, alam na niya ang tungkol sa nilulutong kudeta sa liderato ng senado.
“Sinimulan kong makipag-usap dahil marami naman na at that time na may agam-agam,” dagdag pa niya, bagamat hindi na pinalawig ni Escudero kung anong klase ng agam-agam ang kimkim ng mga kapwa mambabatas.
Nang tanungin kung nakausap niya sina House Speaker Martin Romualdez, First Lady Liza Araneta o ang Pangulo, inamin ni Escudero na nagkita-kita sila sa isang pagdiriwang ng kaarawan ng isang kongresista.
Nilinaw naman niyang hindi naging paksa sa kanilang kwentuhan ang tungkol sa pagpapalit ng Senate President.
Samantala, nagpahayag ng pagkadismaya si Senador Joel Villanueva sa di umano’y pagtataksil ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na pinaniniwalaang dahil kung bakit tinanggal sa pwesto si Zubiri.
Inakala di umano nilang kakampi nila si Dela Rosa.
“I think that is the greatest surprise of all. Probably in the entire history of leadership change. It is what it is. We respect everyone’s judgment, opinion and even decisions. It’s kinda weird of course,” sambit ni Villanueva na bumoto para panatilihin bilang Senate President si Zubiri.
