Murder in broad daylight – the body of Eric Estrada, an alleged drug pusher lies along a busy street at Mayombo in Dagupan City morning early Thursday. Initial reports say unidentified assailants riding in a motorcycle shot Estrada in broad daylight. Six (6) empty bullet shells of still unknown caliber were recovered at the crime scene. Police said Estrada was listed in the BADAC drug watch list. October 6, 2016 / PHOTO/JOJO RIÑOZA/MB
HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 49-anyos na corporate executive matapos paulit-ulit na barilin hindi pa natukoy na salarin sa bayan ng Delfin Albano sa lalawigan ng Isabela.
Batay sa ulat ng lokal na pulisya, nagpapahinga sa veranda ng kanyang tahanan ang biktima nang lapitan ng isang estranghero.
Kwento ng ama ng biktima na nakasaksi sa aktuwal na pangyayari, nagtanong pa di umano ang gunman sa kanyang anak kung saan ang direksyon patungo sa karatig bayan ng Sto. Tomas.
Habang iminumustra ng biktima ang direksyon, bigla aniyang bumunot at paulit-ulit na pinutukan ng suspek ang biktima.
Pagkatapos magpaulan ng bala, mabilis na tumakas ang suspek.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng lokal na pulisya sa hangaring tukuyin ang motibo at pagkakakilanlan ng gunman.
