HINDI huhupa ang tensyon sa West Philippine Sea kung lalabag sa kasunduan ang Pilipinas, ayon kay China Foreign Minister Wang Yi kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo.
Partikular na tinukoy ni Wang Yi ang naging usapan nang magpulong ang dalawa sa ASEAN summit sa Vientiane, Laos noong Biyernes.
Giit ni Wang, pahintulutan ang resupply mission sa mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa kondisyong magpapaalam muna ang Pilipinas sa China.
Babala ni Wang, dapat tuparin ng Pilipinas ang kasunduan para hindi kumantong sa tinawag niyang “komplikasyon” na posible aniyang pagsisihan ng Pilipinas.
Sinuklian naman ni Manalo ang babala ni Wang ng isa pang babalang dapat din aniyang tumupad ang China.
Una nang nagpahayag ni Wang kay Manalo laban sa paglalagay ng intermediate-range missile mula sa Estados Unidos na aniya’y magiging hudyat ng tinawag niyang “arms race.”
Samantala, matagumpay na nakapagsagawa ang Pilipinas ng rotation and reprovisioning mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Sabado nang walang panggigipit ng China, ayon sa DFA.
Ginamit sa resupply mission ang inarkilang MV Lapu-Lapu at nagsilbing escort naman ang BRP Cape Engaño ng Philippine Coast Guard (PCG).
“It was the first RORE mission conducted under the ambit of the understanding reached between the Philippines and the People’s Republic of China on principles and approaches for the conduct of RORE missions in Ayungin Shoal for the purpose of avoiding misunderstandings and miscalculations, without prejudice to national positions.”
