MATAPOS pagtibayin ng Senado ang resolusyong humihimok kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para isantabi muna ang implementasyon, nilinaw ni Senate President Francis Escudero na hindi hangad ng senado ipa-suspinde ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng gobyerno.
Sa isang pulong kasama ang mga opisyales at miyembro ng tinaguriang “Magnificent 7” na kinabibilangan ng pitong transport groups na pabor sa PUV Modernization Program kung saan nilinaw ni Escudero na hindi suspensyon sa programa ang resolusyon ng senado.
Aniya, layunin ng resolusyon ang suspindehin ang implementasyon nagbabawal sa pagbiyahe ng 16 porsyento ng mga pampasadang jeep na hindi umabot sa itinakdang deadline para sa consolidation.
Bukod aniya sa usapin ng kabuhayan ng mga apektadong operator at tsuper, hindi pa rin naman di umano handa ang route plan na isinasagawa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Nanindigan din si Escudero na bahagi rin layunin ng resolusyon hikayatin ang gobyerno na ipagpaliban ang panghuhuli sa mga tinaguriang kolorum. (CESAR MORALES)
