MABABANG demand ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado ang nakikitang dahilan sa inaasahang tapyas presyo ng gasolina at krudo na ikinasa ng mga kumpanya ng langis pagsapit ng Martes, Setyembre 10.
Sa pagtataya ng Unioil, inaasahang ang pagpapatupad ng pisong rollback sa presyo ng gasolina at krudo sa bansa.
Gayundin ang forecast ng Department of Energy (DOE) sa galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Partikular na tinukoy ng DOE ang mababang demand ng China at Amerika na kapwa isinusulong ang electric cars bilang alternatibo sa transportasyon.
Malaking bentahe rin umano ang muling pagbebenta ng langis ng bansang Libya na piniling sumabay sa kompetisyon laban sa mga oil-exporting countries sa gitnang silangan ng Asya.
