HINDI na nagawang iligtas ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mag-inang naipit sa naglalagablab na bahay sa lungsod ng Talisay sa lalawigan ng Cebu.

Kinilala ng otoridad ang mga biktima — ang 62-anyos na si Amalia Nebrija at ang 21-anyos na anak na si Grace Joy. Batay sa imbestigasyon ng BFP, nangyari ang insidente sa Purok Determinado, Barangay Tabunok, Talisay City, Cebu noong Martes.

Suspetsa ng arson investigation unit, palyadong linya ang pinagmulan ng sunog, batay na rin sa salaysay ng isang kaanak hinggil sa bagong kabit na linya ng kuryente para sa chandelier na binili ng mga biktima.

Kwento ng pamangkin ng biktima na nakatira sa katabing bahay, nagising siya sa ingay at matinding liwanag mula sa nasusunog na tahanan ng mga biktima.

Agad siyang inilikas ng mga bumbero ngunit hindi na nakuha pang mailigtas ang mag-ina.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *