NI ROMEO ALLAN BUTUYAN II
SA gitna ng mga patutsadang ipinupukol sa Kamara, nanawagan ang mga kongresista kay Vice President Sara Duterte na bawas-bawasan ang panonood ng telenovela para hindi mahawa sa pagda-drama.
Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, drama lang ang alegasyon ni VP Sara na may bahid pulitika ang imbestigasyon ng Kamara sa aniya’y paglustay sa mahigit P600-milyong confidential funds na inilaan sa Office of the Vice President at maging sa Department of Education (DepED) sa panahon ng kanyang pamumuno sa nasabing ahensya.
Katunayan aniya, matibay ang mga ebidensya laban kay VP Sara.
“This is not about politics. This is about accountability and transparency,” depensa ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sa isinasagawang imbestigasyon sa kung paano naubos ang P500 million na confidential fund ng OVP at nasa P112.5 million na inilaan sa DepEd.
“Duterte’s insistence that “no wrongdoing has been proven” appears to be a diversion tactic to sidestep the core issue of transparency and accountability, especially as the documents under scrutiny are based on official records from the Commission on Audit (COA),” pahayag pa ni Chua.
Sa panig ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety, sinabi nitong maituturing na “familiar and convenient excuse” ang pagsasabi ni Duterte na politically motivated ang hakbang laban sa kanya, para lamang maiwasan siyang magisa.
“The easiest way to evade issues is to call them ‘politically motivated.’ In government, politics is part of the landscape. Accountability and transparency cannot be dismissed by simply invoking politics,” ani Fernandez, kasabay ng panawagan sa pangalawang pangulo na sagutin ang isyu at huwag mag palusot o gumawa ng ibang kuwento.
Kinontra naman ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st Dist. Rep. Jay Khonghun ang akusasyon ni Duterte na peke ang dokumentong hawak ng Kamara.
“[COA] ang nagbigay sa committee, kaya hindi pwedeng sabihin ni VP Sara na peke yun. Katulad ni Mary Grace Piattos. Sila ang naglagay ng pangalan doon, alam naman natin na hindi totoo yun, gawa-gawa na lang nila yun,” sabi pa ni Khonghun hinggil sa pangalang nakalagay sa liquidation report ng OVP..
Nilinaw naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na ang layunin ng pagsisiyasat ng Kamara ay hindi para usigin ang partikular na indibidwal kundi ang pagsusulong ng accountability sa larangan ng public service.
“We’re not here to pass judgment. But when public funds are involved, it is our duty to investigate and ensure accountability,” giit ni Barbers.
Kinuwestyon naman ni 1-Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez ang patuloy na pag-iwas ni Duterte na sagutin ang mga kuwestyunableng paggastos ng daang-milyong halaga ng pondo, gaya na rin sa pagmamatigas ng huli na sagutin ang mga katanungan sa kanya sa pagsalang sa proposed 2025 budget ng OVP.
“We already wanted to discuss confidential funds during the budget hearings, but they argued it was not the right venue. Now, with the proper committee overseeing the investigation, she still claims it’s politically motivated,” ani Gutierrez.
Idinagdag pa ni Gutierrez na ang red flag na ipinalabas ng COA sa paggastos ng confidential fund ng OVP ay hindi maaaring balewalain gaya na lamang sa responsibilidad ng komite na protektahan ang kaban ng bayan.
